Maria Corazon dela Cruz
“Buti na lang isa sa mga naipundar namin ni Steve nung OFW pa siya ay ang kanyang insurance plan from Philam Life. Nung nawala siya, nagawa ko pa ring maitaguyod ang aking mga anak sa tulong ng mga benepisyong aming natanggap.”
- Maria Corazon P. dela Cruz, 52 years old, from Bulacan
Mom and Philam Life Agent with a Mission – a Philam Life policy in every home
Philam Life Plan Beneficiary
Minsan, nasasabi natin na tayo ay hinubog at pinatibay na ng ating mga karanasan, na tayo ay matatag at kahit papaano’y handang harapin anuman ang dumating na hamon. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. May mga pangyayari na kahit sa hinagap ay hindi natin naisip na darating sa ating buhay. Isang araw ay magigising na lang tayo na para bang nasa isang panaginip at wala na ang buhay na inakala nating maayos at matatag.
Si Steve na aking kabiyak ay dating OFW na nagtratrabaho bilang Fishery Consultant sa Food and Agricultural Organization ng UN. Pareho kaming galing sa hirap kaya maligaya at kuntento kami sapagkat naiangat namin ang buhay ng aming mag-anak.
Sa mahigit limang taon niyang paghahanapbuhay, nakapagpundar kami ng mga ari-arian at nakaipon ng malaki-laking halaga. Sapagkat sapat ang kinikita ng aking asawa, nagpasya kaming huminto na ako sa pagtratrabahao at alagaan na lamang ang aming tatlong anak.
Marami noon ang nag-aalok sa amin ng mga bagay na maipupundar, kasama na ang life insurance. Kadalasan, tumatanggi kami. Ngunit isang malapit na kaibigan ang hindi namin natanggihan. Kumuha kami ng life insurance para kay Steve na may face amount na P150,000.
Masasabi ko na halos perpekto ang buhay ng aming pamilya. Masaya at puno kami ng pagmamahalan. Hindi namin akalain na darating pala ang isang napakabigat na trahedya sa amin.
Noong Hunyo 1999, isang lingo bago bumalik si Steve sa Pilipinas mula Nauru, tumawag siya at idinaing ang madalas na pagsakit ng tiyan, ang pagkawala ng kanyang gana sa pagkain at hindi pagdumi ng mga nagdaang araw. Pagdating dito, ipinasuri namin siya sa mga doktor sa Bulacan ngunit wala silang natukoy na abnormal sa kanyang katawan. Nagpatuloy ang kanyang karamdaman kaya lumuwas kami sa Maynila upang masuri siya ng mga espesyalista. Saka namin nalaman na may tumubong cancer sa kanyang bituka.
Ngunit malala na ang kanyang kalagayan at wala na ring nagawa ang mga doktor.
Noong ika-24 ng Nobyembre, pumanaw ang aking pinakamamahal na asawa. Mahirap tanggapin ngunit sabi nga nila, life must go on. Kailangan ako ng aking mga anak at itataguyod ko sila tulad ng bilin ni Steve.
Dahil sa serye ng gamutan para sa aking asawa, halos naubos ang aming naipundar at naipong pera. Natakot ako sapagkat hindi ko alam kung saan kukunin ang ikabubuhay naming mag-iina. Sa aking pagkabigla, hindi ko inaasahang ang Philam Life plan ko pala ang siyang magiging kaagapay ko sa malalaking hamon sa aking buhay.
Salamat sa Philam Life, natulungan ako sa aking problemang pinansyal. Nakatanggap ako ng humigit kumulang na P187,686.21 mula sa aming plano. Napakalaking sorpresa nito sapagkat may kabuuang P32,400 lamang ang aming naibayad. Tatlong araw lamang na pagproproseso at dumating na ang cheke sa amin.
Mula sa aking natanggap na benepisyo, nakapagpatayo ako ng sari-sari store. Dito ko kinuha ang ipinantustos sa araw-araw naming pamumuhay at pag-aaral ng aking mga anak. Sa ngayon, dalawang anak ko ang engineer at ang bunso ay nasa huling baitang sa kolehiyo.
Dahil sa aking karanasan, malaki ang naging tiwala ko sa Philam Life. Masakit mawalan ng mahal sa buhay, at lalong masakit kung ang pagkawala nila ay kasabay rin ng pagkawala ng kinabukasan ng mga naiwan. Ang Philam Life ang nagbigay ng pag-asa sa akin, sa aming mag-iina, sa panahon ng aming kagipitan.
Contact a Philam Life Financial Planner
Contact us at (02) 528-2000 or
email us at philamlife@aia.com.
Read Philam Life's "Buti na lang" Testimonials
No stars. No celebrities or media personalities. Just ordinary people with extraordinary stories.




